MANILA, Philippines — Arestado ang tatlong Filipino passenger matapos makitaan ng tinatayang P18.679 milyong halaga ng hinihinalang high-grade marijuana o “kush” ang kanilang mga bagahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 nitong Huwebes, Setyembre 24.
Ayon sa Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), dumating ang tatlo mula Bangkok, Thailand bago isinailalim sa physical examination ang kanilang mga bagahe matapos makitaan ng kahina-hinalang imahe sa X-ray screening.







