Home METRO 3 police chiefs sa NegOcc pinalitan

3 police chiefs sa NegOcc pinalitan

BACOLOD CITY- Inalis sa kanilang pwesto ang tatlong chief of police ng mga lugar kung saan nakapagtatala ng mga insidente ng insurhensya sa lalawigan ng Negros Occidental, noong Martes.

Ayon kay Police Capt. Judesses Catalogo, tagapagsalita ng Negros Occidental police, inilabas ang kautusan ni Negros Occidental director Police Col. Rainerio de Chavez.

Pinalitan ni Police Major Wilfredo Benoman Jr., deputy chief ng Talisay City Police Station, si Police Major Ronald Santillan, hepe ng Calatrava police, dahil natapos na nito ang dalawang taong panunungkulan sa bayan.

Umupo na rin si Police Major Rhojn Darrell Nigos bilang deputy chief ng Provincial Operations and Management Unit, na pwesto ni Police Major Sherwin Fernandez, at inilipat ito bilang deputy chief ng 2nd Negros Occidental Provincial Mobile Force Company (Nocpmfc) sa bayan ng Hinigaran.

Binitiwan naman ni Police Capt. Armel Lasap ang kanyang pwesto kay Police Major Jerald Muya, deputy chief ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), habang si Lasap ay nananatili sa police station bilang deputy chief ni Muya.

Naniniwala naman si Catalogo na may mabilis ang pagresolba ng sunod-sunod na pag-atake ng mga rebeldeng grupo kapag ang mga nakaupong chief of police ay kabisado na ang lugar.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng Special Investigation Task Group (SITG) sa pagbibigay ng hustisya sa magkasunod na pagpatay noong nakalipas na buwan ng Abril sa bayan ng La Castellana, Calatrava at bayan ng Moises Padilla habang nitong buwan ng Mayo 1, ay binaril patay ang barangay kagawad sa La Castellana. Mary Anne Sapico