Home METRO Kelot tiklo sa P1.1M shabu

Kelot tiklo sa P1.1M shabu

PAGADIAN CITY- Arestado ang 19-anyos na lalaking hinihinalang drug dealer matapos makuhanan ng P1.1 milyong halaga ng shabu sa inilatag na entrapment operation ng mga awtoridad noong Martes sa lungsod na ito.

Ayon sa report ng Pagadian City City Police Office, nadakip ang hindi muna pinangalanan suspek sa Purok Malipayon, Barangay Dao ng naturang lungsod.

Nakuha sa suspek ang malaking bulto ng shabu na aabot sa halagang P1.1 milyon.

Sinabi ng pulisya, isinailalim sa monitoring ang suspek matapos makatanggap ng report hinggil sa pagbebenta nito ng shabu at nang magpositibo ay inilatag ang operasyon laban sa suspek na nagresulta ng pagkakadakip nito.

Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang pulisya para tukuyin ang mga kasabwat ng suspek sa ilegal nitong aktibidad.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek. Mary Anne Sapico