Home METRO Binatilyo tinodas sa sementeryo

Binatilyo tinodas sa sementeryo

Image Representation Only

Bulacan- Isang bangkay ng menor-de-edad na naliligo sa sariling dugo ang natagpuan sa loob ng sementeryo sa bayan ng Obando.

Kinilala ng pulisya ang nasawi sa pangalang Christian, 16, walang asawa at walang trabaho, residente ng Sto Niño st, sa Brgy. Lawa.

Sa report ng Obando police kay Bulacan Police director PCOL. Relly Arnedo, nadiskubre ang bangkay bandang alas-7:10 ng umaga nitong Mayo 22 sa loob ng Paco Cemetery, Brgy. Paco at naiulat sa kanila ng mga tanod bandang alas-7:30 ng umaga sa kaparehong petsa.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, hinihinalang pinalo ng matigas na bagay sa ulo ang biktima na kanyang agarang ikinamatay.

Sinasabing nakitaan ng tipak ng hollow block, aluminum foil at lighter ang lugar na pinangyarihan ng krimen.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang krimen. Dick Mirasol III