Home ENTERTAINMENT Angelika, nagsalita na sa isyung preggy si Mika kaya nagpakasal kay Nash!

Angelika, nagsalita na sa isyung preggy si Mika kaya nagpakasal kay Nash!

Manila, Philippines – Iniintriga si Mika dela Cruz. Buntis daw umano ito kaya bigla silang nagpakasal ni Nash Aguas noong May 18, Saturday, na ginanap sa Tagayay.

Pero walang katotohanan na may baby na sa sinapupunan ni Mika.

Ang ate ni Mika na si Angelika dela Cruz ay nag-post sa kanyang Facebook account para pabulaanan ang chika na buntis ang kanyang nakababatang kapatid.

Post ni Angelika, “My sister is not pregnant po please make sure na totoo bago po kayo mag-post. How I wish totoo. Mika Dela Cruz [please] baby girl ah wala pa tayo babae sa family.”

Nag-chat din kami sa mommy nina Mika at Angelika na si mommy Sieglinde para tanungin kung totoong buntis si Mika.

Ang reply niya sa amin, “She is not pregnant. She just gained weight because she was sick.”

Si Mika ay na-diagnose na may multiple serious health conditions. At isa sa condition na ito ay ang pagkakaroon ng autoimmune disease, na nakuha niya mula sa pagkakaroon ng stress sa loob ng mahabang panahon.

O ayan, galing na mismo kay Angelika at kay mommy Sieglinde na hindi buntis si Mika.

Sana ay matigil na ang tsismis na ito. Nagpakasal sina Mika at Nash dahil nasa right age na naman sila.

Pareho silang 25 years old.

Besides, gusto na talaga nilang magsama sa iisang bubong since sobra nilang mahal ang isa’t isa.

It’s about time para magpakasal na sila, di ba? Rommel Placente