Inanunsyo ng Taytay Police Station noong Miyerkules, Setyembre 4, na muli nitong inaresto ang tatlong preso na nakatakas mula sa custodial facility ng istasyon sa pananalasa ng Tropical Storm Enteng.
Nakakulong ngayon ang mga nakatakas na kinilalang sina Danny Boy Cancino, Kurt Cavasal, at Ronald Barrera, na pawang tinaguriang Persons Under Police Custody (PUPC).
Sinabi ng mga awtoridad na sina Cancino at Barrera ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, habang si Cavasal ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591, o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. RNT