Home METRO 3 puganteng dayuhan patatalsikin sa Pinas

3 puganteng dayuhan patatalsikin sa Pinas

100
0

MANILA, Philippines- Ipinahayag ng Bureau of Immigration (BI) na inaresto ng mga operatiba nito ang tatlong dayuhang pugante noong huling linggo ng Enero habang patuloy ang pinaigting na kampanya ng ahensya laban sa mga wanted na dayuhan na nagtatago sa bansa.

Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na ang tatlong dayuhan ay naaresto sa magkakasunod na operasyon na isinagawa ng mga operatiba mula sa fugitive search unit (FSU) ng bureau sa Metro Manila at Pampanga.

Aniya, ang mga dayuhan ay nakakulong ngayon sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang hinihintay ang kanilang deportasyon.

“All three of them were already issued deportation orders by our board of commissioners, thus we will arrange their flights as soon as we have secured the necessary clearances for their departure,” ayon kay Tansingco. “They have been placed in our blacklist and banned from re-entering the Philippines,” dagdag pa ng opisyal.

Nabatid sa FSU na unang inaresto sa Parañaque City noong Enero 25 ang Chinese national na si Peng Yao, 30, na pinaghahanap ng mga awtoridad ng Beijing dahil sa kidnapping at unlawful detention.

Nabatid na inisyuhan ng warrant of arrest si Yao ng People’s Procuratorate sa Luxi, China. Ang kanyang pasaporte ay binawi na rin ng gobyerno ng China.

Napag-alaman na noong Enero 29, inaresto ng mga operatiba ng FSU sa Angeles City, Pampanga ang Australian national na si Shaun Glen Mountney, 55, na pinaghahanap ng mga awtoridad sa Queensland dahil sa aggravated domestic violence.

Inaresto rin noong Enero 31 ang Korean national na si Yun Deokwon, 40, na pinaghahanap ng mga awtoridad sa Seoul dahil sa pagkakasangkot sa telecommunications fraud na naging basehan ng Suwon district court sa Korea na maglabas ng warrant para sa kanyang pag-aresto. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here