Home METRO Rider humiwalay ang ulo sa kasalubong na motorsiklo

Rider humiwalay ang ulo sa kasalubong na motorsiklo

CAUAYAN CITY, Isabela – Napugutan o humiwalay ang ulo ang isang motorcycle rider nang mag-overtake at sumalpok sa isa kasalubong na motorsiklong nasa unahan nito sa Brgy. Minante 2, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Joshua Rivera, 24-anyos, residente ng Brgy. San Felipe, Echague, Isabela na drayber ng isang Suzuki Rider.

Kinilala naman ang kasalubong na lulan ng Yamaha NMAX na si Jaypee Rosqueta, 33-anyos na residente ng Brgy. Bantug, Roxas, Isabela.

Una rito, binabaybay ng dalawang motorsiklo ang kahabaan ng national highway sa magkaparehong direksyon at nang makarating sa pinangyarihan ng insidente, biglaang nag-overtake ang biktima sa right shoulder lane ng kalsada.

Nabulaga ang biktima matapos na sumalpok ang kanyang minamanehong motorsiklo sa isa pang motor na nasa unahan nito, hanggang sa sumadsad at sumalpok naman ang suspek sa poste ng kuryente.

Sa tindi ng aksidente, humiwalay ang ulo nito sa kaniang katawan na naging sanhi ng agad na kamatayan.

Nahaharap ang kasalubong na rider sa kasong Reckless Imprudence Resulting (RIR) to Homicide and Damage to Property na pansamantalang nasa kustodiya ng pulisya. Rey Velasco

Previous article3 puganteng dayuhan patatalsikin sa Pinas
Next articleMga suspek sa Catanauan arson walang sala – testigo