Home METRO 3 rider patay sa Kabite

3 rider patay sa Kabite

MANILA, Philippines- Patay ang tatlong rider sa aksidente sa kalsada na kinasasangkutan ng motorsiklo sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan ng Cavite.

Kinilala ang mga biktima na sina alyas “Victoriano,” 60, isang construction worker ng Cabuco Heights Brgy. Cabuco Trece Martires City, alyas “Wilson”ng Gen. Trias City, Cavite at alyas “John” ng Alfonso, Cavite.

Base sa report, dakong alas-6:45 ng umaga nang naganap ang insidente sa Saloysuy City Land Road, Purok 7 Brgy. De Ocampo, Trece Martires City kung saan minamaneho ni alyas “Dio” ang kanyang motorsiklo na Suzuki Raider at angkas nito si alyas Victoriano habang motorsiklo na Honda TMX ang minamaneho ni alyas Delfin at binabagtas ang parehong direksyon galing Brgy. San Agustin patungo sa Cityland Subdivision.

Subalit pagsapit sa pinangyarihan ng insidente, nag-overtake umano ang minamanehong motorsiklo ni alyas Dio sa motorsiklo ni alyas Delfin subalit nawalan ng kontrol sa kanyang motorsiklo at sumabit sa motorsiklo ng huli na nagresulta sa pagkamatay ng angkas nito.

Dead on arrival sa Gen. Emilio Aguinaldo Hospital ang biktima.

Sa ibang banda, aksidente namang nabangga ng minamanehong motorsiklo ni alyas Abelardo ang minamanehong motorsiklo ng biktima na si alyas Wilson dakong alas-8:30 ng umaga sa kahabaan ng Governors Drive Poblacion 1A road, Ternate, cavite

Isinugod ang biktima sa Cavite Municipal Hospital ang biktima subalit namatay ito habang ginagamot.

Minamaneho naman ng biktimang si alyas “John” ang kanyang motorsiklo na Yamaha Mio 125 habang binabagtas ang bypass road sa Brgy. Mangas 2, Alfonso Cavite dakong alas-7:30 ng gabi.

Dahil umano sa mabilis na pagmamaneho ay hindi napansin ang concreate barrier kaya bumangga ito.

Dinala pa sa Poblete Hospital subalit idineklarang dead on arrival ang bikttima. Margie Bautista