Home NATIONWIDE Pinas nakapagtala ng 1,340 COVID cases mula Nov. 28 ‘gang Dec. 4

Pinas nakapagtala ng 1,340 COVID cases mula Nov. 28 ‘gang Dec. 4

MANILA, Philippines- Nakapagtala ang Pilipinas ng 1,340 bagong coronavirus cases mula November 28 hanggang December 4, 2023, pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso sa loob ng 19 linggo, batay sa datos ng Department of Health (DOH).

Base sa pinakabagong DOH weekly bulletin, ang bagong COVID-19 infections sa nakalipas na linggo ay mas mataas ng 10% kumpara sa 1,218 kasong npa-monitor noong November 21 hanggang November 27, 2023.

Ito rin ang ika-apat na sunod na linggo ng pagdami ng COVID-19 cases at pag-uulat ng mahigit 1,000 bagong weekly cases, ayon sa ulat.

Samantala, ang average daily cases para sa nakaraang linggo ay 191 — mas mataas din ng 10% mula sa 174 average daily case rate bago ito.

Ito ang ika-19 sunod na linggo ng mahigit 100 subalit mas mababa sa 200 na bagong kaso at ika-apat na sunod na linggo ng mahigit 150 average na kaso araw-araw.

Sa bagong weekly cases, sinabi ng DOH na 11 ang natukoy na severe o critical cases.

Wala namang naberipikang COVID-19-related fatalities noong nakaraang linggo.

Samantala, 253, o 10.1% ng kabuuang COVID-19 admissions ang severe at critical conditions. Nasa 11.6% o 158 naman sa 1,361 ICU beds ang ginamit habang 17.5% o 2,037 sa 11,624 non-ICU beds ang kasalukuyang ginagamit.

Nananatili naman ang healthcare utilization sa low-risk zone.

Samantala, ayon sa DOH, mahigit 78 milyong indibidwal, o 100.4% ng target population ang nakakumpleto ng primary doses. Hindi naman bababa sa 7.1 milyong senior citizens, o 82.16% ng arget A2 population ang naturukan ng primary vaccine series. Gayundin, 23 imilyong indibidwal na ang nabigyan ng booster shots. RNT/SA