Home HOME BANNER STORY PBBM muling nagka-COVID

PBBM muling nagka-COVID

MANILA, Philippines- Muling nagpositibo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa COVID-19, ayon sa Malacañang nitong Martes.

Maga-isolate ang Pangulo sa loob ng limang araw, base sa Presidential Communications Office (PCO).

“The President remains fit to carry out his duties and will be continuing his scheduled meetings via teleconference,” pahayag nito.

“Updates on his health will be provided as available,” patuloy ng PCO.

Ito ang ikatlong beses na nagpositibo si Marcos sa COVID-19.

Una siyang nasapul ng nasabing virus noong 2020, at muling tinamaan ng sakit noong 2022.

“During this holiday season, President Marcos encourages the public to take precautions to safeguard their health, such as vaccinating and voluntary mask-wearing when entering crowded places,” pahayag ng PCO. RNT/SA

Previous articlePinas nakapagtala ng 1,340 COVID cases mula Nov. 28 ‘gang Dec. 4
Next article1,726 aftershocks naitala kasunod ng Surigao quake; 2 patay bineberipika