Home METRO 3 rifle grenade nadiskubre sa condo unit sa Ermita

3 rifle grenade nadiskubre sa condo unit sa Ermita

MANILA, Philippines- Nabahala ang ilang tenants sa isang condominium unit matapos may madiskubreng tatlong rifle grenade sa loob ng abandonadong kwarto sa Ermita, Maynila .

Sa ulat ng MPD- District Explosives and Canine Unit (MPD-DECU), natuklasan ni Pierluigi B.Giannoni, Building Administrator ng Midland Plaza Condominium ang nasabing pampasabog.

Maglilinis umano sana sa isang abandonadong kwarto sa ika-siyam na palapag ng nasabing condo unit nang makita ang tatlong rifle grenade.

Agad itong ipinagbigay-alam sa mga awtoridad partikular sa Explosive Ordnance Unit upang respondehan at dalhin sa DECU ang naturang pampasabog para sa safekeeping at proper disposal.

Inaalam pa ng pulisya kung saan galing at sino ang nag-iwan sa rifle grenade. Jocelyn Tabangcura-Domenden