Home METRO Batanes airport ops suspendido sa hagupit ni ‘Jenny’

Batanes airport ops suspendido sa hagupit ni ‘Jenny’

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) nitong Martes ang suspensyon ng airport operations sa Batanes dahil kay Bagyong Jenny.

Sinabi ng CAAP ba kakanselahin ng Basco Airport sa Batanes ang natitira nitong general aviation flights ngayong araw dahil sa masungit na panahon.

Anang airport management, nakikipag-ugnayan na ito sa kaukulang ahensya at sa Batanes Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC).

Base sa 11:00 a.m. cyclone bulletin ng PAGASA nitong Martes, umiiral pa rin sa Batanes ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 2. RNT/SA