
MANILA, Philippines- Nasa kabuuang 56,679 persons deprived of liberty (PDLs) ang boboto sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE).
Lumagda ang Commission on Elections (Comelec), Public Attorneys Office (PAO), at ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa isang Memorandum of Agreement upang payagang makaboto ang 56,679 registered Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa darating na Barangay and Sangguniang Kabataan (SK) Elections. (Larawan kuha ni Danny Querubin)
Sa kalatas inihayag ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), makakamtan ng mga PDL ang kanilang karapatang bumoto salig sa memorandum of agreement na nilagdaan nito sa Commission on Elections (Comelec) at Public Attorney’s Office (PAO).
Batay sa kasunduan, maglalaan ang Comelec ng mga kinakailangang suporta, guidance, at resources para makaboto ang mga PDL at mapanatili ang integridad ng proseso ng eleksyon.
(Kuha ni Danny Querubin)