Home ENTERTAINMENT Lloydie, nag-post ng pics ni Heart na tumutungga, binanatan!

Lloydie, nag-post ng pics ni Heart na tumutungga, binanatan!

Manila, Philippines- Subject of raging debate among the netizens ang mga photos na ipinost ni John Lloyd Cruz sa social media.

Kuha ang mga ‘yon sa surprise tribute party in honor of Mr. Johnny Manahan.

Partikular na pinagdedebatehan ang mga larawan ni Heart Evangelista na tumutungga ng alak.

Ang ibang netizens ay tinawag na “uncalled for” ang ginawang pagpopost ni JLC.

Other netizens ay dumepensa kay Lloydie at sinabing hindi naman alak ang tinutungga ni Heart kundi sparkling water.

Pero granting daw na alak nga ang nakahain sa harap ni Heart ay ano naman daw ang masama?

In the first place, party ang pinuntahan ng mga taong naroon.

May party raw ba na walang inuman?

It later turned out mula na rin sa pag-amin mismo ni Heart that she got drunk that night.

Dagdag pa ni Heart ay may hangover pa siya pagkagising niya.

Sa madaling salita,  nagpakatotoo lang si Heart, and at the same time she got John Lloyd off the hook.

Therefore, walang isyu roon as in John Lloyd’s act was far from being uncalled for! Ronnie Carrasco III

Previous article2nd batch ng tseke para sa displaced OFWs sa Saudi ‘di pa nailalabas
Next articlePH-US Cope Thunder joint exercise kasado sa Abril