Home NATIONWIDE PH-US Cope Thunder joint exercise kasado sa Abril

PH-US Cope Thunder joint exercise kasado sa Abril

MANILA, Philippines- Isasagawa ang joint exercise sa pagitan ng Philippine at United States air forces na tinaguriang Cope Thunder sa Abril ng kasalukuyang taon, base sa Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Miyerkules.

“The Philippine Air Force is now preparing for the Cope Thunder Philippines 2024-1 which will be conducted in April,” pahayag ni AFP spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla Taborlupa sa isang press briefing.

“It will feature joint and combined sea, air, and ground exercises between the AFP and US Pacific Air Forces,” dagdag ng opisyal.

Nilalayon ng Cope Thunder na magbigay ng bilateral fighter training sa Philippine at US air forces upang paghusayin ang kanilang combined interoperability.

Noong nakaraang taon, binuhay ng Pilipinas at ng US ang Cope Thunder joint exercise 33 taon matapos itong itigil noong 1991.

Inilipat ito sa Eielson Air Force Base sa Alaska noong 1992 at kalaunan ay tinawag na Red Flag Alaska, base sa Pacific Air Forces Public Affairs.

Inilipat ang Cope Thunder sa Eielson mula Clark Air Base sa Pilipinas matapos ang pagputok ng Mount Pinatubo noong 1991 na naging mitsa ng paghinto ng operasyon nito.

Noong 1991, tinabla ng Philippine Senate ang renewal ng US base lease sa bansa.

Samantala, inihayag ni Fajardo na makatatanggap din ang Philippine Air Force ng dalawang T-129 ATAK helicopters at isang C-130 tactical transport aircraft sa turnover ceremony sa Abril.

Kasunod ang anunsyo sa isasagawang Cope Thunder activity sa Abril ng pahayag ng AFP na ikakasa ng Pilipinas at ng US ang Balikatan joint military exercises sa labas ng territorial waters ng una. RNT/SA