Home NATIONWIDE Pilipinas nais ihanda ni PBBM para sa susunod na 50 taon

Pilipinas nais ihanda ni PBBM para sa susunod na 50 taon

MANILA, Philippines – Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maging handa ang Pilipinas para sa susunod na 50 taon.

Sa panayam ni Maeil Business Newspaper Chairman at Publisher Chang Dae-Whan sa Malacañan Palace, ibinahagi ni Marcos ang kanyang vision para sa bansa. Kabilang dito ang reporma sa economic policies.

“I want to transform the different economic policies for greater investment, greater trade, so I guess my hope is that we would be able to transform the Philippines so that the Philippines is now ready for the next 50 years. Put us on the right track,” ani Marcos.

Sinabi pa ng Pangulo na dapat bumuo ang pamahalaan ng ekonomiya na nagbibigay pagkakataon na makapagtrabaho ang mga manggagawang Filipino.

Ayon kay Marcos, ang bansa ay mayroong English-speaking workers na magagamit sa pakikipag-ugnayan sa mga dayuhan.

“It is up to us, in the government now, to change how we think, and so I think it’s just one fundamental… when you ask if what’s the paradigm shift, there are many paradigm shifts that seem to change our thinking. We have to change the way to do things,” pagtatapos ng Pangulo. RNT/JGC