Home METRO Kelot inaresto sa panggagahasa ng pamangkin, 3 iba pang anak-anakan

Kelot inaresto sa panggagahasa ng pamangkin, 3 iba pang anak-anakan

MANILA, Philippines – Inaresto ang isang lalaki matapos na gahasain nito ang sariling pamangkin at tatlo pang anak-anakang babae.

Ang 42-anyos na suspek ay isang karpintero, na inaresto ng Manila Police sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong rape.

Naaresto ang suspek nitong Huwebes ng gabi, Abril 25.

Ayon sa Manila Police District, nagtatago ang suspek sa Angeles City at Guagua, Pampanga. Naaresto ito habang nagtatrabaho sa Barangay San Roque, Antipolo.

Kabilang ang suspek sa listahan ng “Most Wanted Persons” ng DILG sa kasong rape matapos na gahasain nito ang sariling pamangkin sa Laguna at ang tatlong anak na babae ng kinakasama nito sa Bicol. RNT/JGC