Home NATIONWIDE Dating DBM official at Pharmally, tutuluyan ng Ombudsman

Dating DBM official at Pharmally, tutuluyan ng Ombudsman

MANILA, Philippines – Tuloy ang pagsasampa ng ilan bilang ng kasong katiwalian laban kay dating Budget Undersecretary Christopher Liao, mga opisyal ng kopanyang Pharmally at iba pa kaugnay sa maanomalyang pagbili ng P4 billion na halaga ng RT-PCR COVID-19 test kits.

Ito ay matapos ibasura ni Ombudsman Samuel Martires ang motion for reconsideration na isinampa ni Lao.

Iniutos ng anti-graft body na masampahan rin ng tatlong bilang ng kasong graft laban kay dating DBM procurement director Warren Liong, DBM procurement management officer Paul Jasper de Guzman, Pharmally officials na sina Twinkle Dargani, Linconn Ong, Justine Garado, Huang Tzu Yen at ang Chinese businessman na si Lin Wei Xiong na nagsilbing financial manager ng Pharmally.

Nilinaw din ng Ombudsman na kasama sa kakasuhan ay si DBM-Procurement Services unit Webster Laureñana.

Sa imbestigasyon ng Ombudsman, lumalabas na ang pondo ng Pharmally ay galing sa irregular transaction nito sa PS-DBM. Makikita sa financial statements na bago pumasok sa kasunduan sa PS-DBM noong 2020, walang anumang business activity ang Pharmally mula September hanggang December 2019.

Mayroon pang net loss ang Pharmally na P25,550.00 sa pagtatapos ng taong 2019. Ngunit noong 2020 ng iregular na igawad sa kanila ang procurement contracts ay kumita ang Pharmally ng net taxable income na P318,337,099.00. Teresa Tavares