Home METRO Obrero, negosyanteng tulak timbog sa P680K ‘tobats’ sa Bulacan buy-bust

Obrero, negosyanteng tulak timbog sa P680K ‘tobats’ sa Bulacan buy-bust

Bulacan – Arestado ang dalawang drug suspects matapos mahulihan ng P680,000 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng Balagtas.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek sa alyas na “Jaco”, 25, construction worker at alyas “Tin”, 38, businesswoman.

Sa report kay PRO3 Director PBGEN Jose Hidalgo Jr, ikinasa ang operasyon ng Balagtas police station nitong Miyerkules Mayo 8 sa Brgy. Wawa.

Nakumpiska sa dalawa ang kabuuang 100 gramo na pinaghihinalaang shabu na may standard drug price P680,000.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya. Dick Mirasol III