Home NATIONWIDE Pasok sa trabaho, eskwela sa Zambales sinuspinde sa Mango festival

Pasok sa trabaho, eskwela sa Zambales sinuspinde sa Mango festival

MANILA, Philippines – Sinuspinde ang pasok sa lahat ng antas sa mga paaralan sa Zambales bukas, Mayo 10, sa pagdiriwang ng Mango festival.

Sa memorandum, sinabi ni Gov. Hermogenes Ebdane Jr. na ang suspensyon ng pasok ay upang magbigay-daan sa mga empleyado at estudyante na makilahok sa mga inilatag na aktibidad.

Sa kabila nito, dapat pa ring magpatuloy sa operasyon at paghahatid ng serbisyo ang mga opisina na sangkot sa paghahatid ng basic at health services, preparedness at response sa mga kalamidad at mga nagsasagawa ng mahahalagang serbisyo.

Ang 10-day celebration ng mango festival o kilala bilang “Dinamulag Festival,” ay nagsimula noong Mayo 2 at magtatapos sa Sabado, Mayo 11.

Kabilang sa mga highlight ng pista ay ang street dance parade and competitions, agri-tourism trade fair, at mango-picking activities na gagawin araw ng Biyernes. RNT/JGC