Home METRO Dalagita patay, 2 sugatan sa gang war sa Cebu

Dalagita patay, 2 sugatan sa gang war sa Cebu

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang 16-anyos na babae habang sugatan ang dalawa pang menor de edad matapos silang pagbabarilin sa hinihinalang drug war sa Liloan, Cebu nitong Miyerkules, Mayo 8.

Sa nakuhang CCTV footage, magkakasama ang tatlong biktima nang may dumating na mga naka-motorsiklo na nagpaulan ng bala sa mga ito.

Matapos ang pamamaril ay tumakas ang mga naka-motorsiklo habang naiwan ang tatlong biktima na humihingi ng tulong.

Napuruhan sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na edad 16, 17 at 18.

Isinugod pa sa ospital ang mga ito ngunit binawian ng buhay ang dalagitang biktima.

Posibleng gang war umano ang motibo sa insidente.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon at pagtugis sa limang suspek. RNT/JGC