Home NATIONWIDE DOLE maglulunsad ng mga job fair sa bansa sa Labor Day

DOLE maglulunsad ng mga job fair sa bansa sa Labor Day

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Biyernes na maglulunsad ito ng ilang job fairs sa bansa bilang bahagi ng pagdiriwang nito para sa taunang Araw ng Paggawa sa Mayo 1.

Sasamahan ng Kadiwa markets ang job fairs at pagkakaloob ng paulyouts sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers (TUPAD), Government Internship Program (GIP), and Special Program for Employment of Students (SPES) programs, ayon kay DOLE Undersecretary Benjo Benavidez.

“Ngayong taon, 2024, dalawang pangunahing kaganapan ang inihanda ng Department of Labor and Employment, ang una pong kaganapan ay tulad po ng nakaraang taon. Ano po ito? Ang pagsasagawa ng job fairs at sasamahan din po ito ng pagsasagawa ng Kadiwa ng Pangulo, pagkakaroon po ng mga payout under TUPAD, GIT, and SPES, at ganoon na din po yung awarding ng livelihood,” sabi ni Benavidez .

Ilulunsad din ng DOLE ang job fairs sa mga probinsya para maging mas accessible at convenient sa mga naghahanap ng trabaho.

Ang mga job fair ay mayroong mahigit 90 sites sa buong bansa, na may higit sa 2,400 employers, at 2,000 job vacancies simula kahapon, dagdag ni Benavidez. Jocelyn Tabangcura-Domenden