Home METRO 2 wanted arestado sa magkahiwalay na operasyon sa Pasay

2 wanted arestado sa magkahiwalay na operasyon sa Pasay

MANILA, Philippines – Arestado ng mga operatiba ng pinagsanib na pwersa ng Warrant and Subpoena Section (WSS) at ng Pasay City police Sub-station 3 ang dalawang wanted na suspects sa mga kasong attempted homicide, murder, at sa ikinasang anti-criminality operations sa lungsod Biyernes ng umaga, Abril 26.

Kinilala ni Pasay City police chief P/Col. Mario Mayames, Jr. Ang mga nadakip na suspects na sina Ryan, 21 at alyas Tombeng, 54.

Base sa report na natanggap ni Mayames, unang inaresto bandang alas 5:30 ng umaga sa A. Hidalgo St., Barangay 66, Pasay City si alyas Ryan na wanted sa mga kasong attempted murder at robbery.

Sinabi ni Mayames na ang pag-aresto kay alyas Ryan ay naisakatuparan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Pasay City Regional Trial Court (RTC) Judge Maria Luwalhati Carandang Cruz ng Branch 298 nito lamang Abril 24, 2024 na mayroong rekomendasyon ng piyansa sa halagang P120,000.

Sumunod naman na nadakip si alyas Tombeng na nahaharap sa kasong attempted homicide bandang alas 6:30 ng umga sa kahabaan ng Arnaiz Avenue kanto ng Aurora St., Pasay City sa bisa rin ng isinilbing warrant of arrest ng mga tauhan ng WSS at Sub-station 3 na inisyu noong Hunyo 25, 2015 ni Pasay City Metropolitan Trial Court (MeTC) Judge Glenn Santos ng Branch 47 na may kaakibat na rekomendasyon ng piyansa na P12,000.

Sa kasalukuyan ay nakapiit sa custodial facility ng Pasay City police ang mga suspects habang naghihintay ng kanilang commitment order ng korte para sa kanilang paglilipatang piitan sa Pasay City jail. James I. Catapusan