Home NATIONWIDE 2nd batch ng tseke para sa displaced OFWs sa Saudi ‘di pa...

2nd batch ng tseke para sa displaced OFWs sa Saudi ‘di pa nailalabas

MANILA, Philippines- Hinihintay pa ang ikalawang batch ng mga tseke na babayaran para sa indemnity claims ng overseas Filipino worker (OFWs) na nawalan ng tirahan dahil sa pagkalugi ng kanilang mga employer sa Saudi Arabia, sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Miyerkules.

Sa media forum, inihayag ni DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac na ang pondo ay inilaan para sa susunod na tranche ng payments ngunit kailangang huwag mainip ang claimants dahil sa Ramadan.

Para sa unang batch, sinabi ni Cacdac na nasa 1,500 OFWs na ang nakatanggap ng kanilang tseke na nagkakahalaga ng kabuuang P1 bilyon. Gayunman, ilang claimant na pamilya ng OFWs na namatay na ang hindi pa nakakukuha.

Kasalukuyang tinutulungan ng DMW ang 29 benepisyaryo ng mga namatay na OFW para makasunod sa mga kinakailangan at matiyak na makukuha nila ang mga tseke, ayon naman kay DMW Assistant Secretary Jerome Alcantara.

Tinutulungan din ng DMW ang 52 claimants na may aberya sa pangalan.

Nauna nang nakipagtulungan ang DMW sa Land Bank of the Philippines at sa savings bank nito na tumutugon sa overseas Filipinos upang mabilis na masubaybayan ang paghahatid ng mga indemnity claim sa mga apektadong OFW, gayundin ang mga claimant na miyembro ng pamilya ng mga namatay. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleP23M premyo sa lotto nasolo!
Next articleLloydie, nag-post ng pics ni Heart na tumutungga, binanatan!