Home NATIONWIDE Pinas nanindigan sa paglagda ng FTA sa US

Pinas nanindigan sa paglagda ng FTA sa US

MANILA, Philippines- Hindi aatras ang gobyerno ng Pilipinas mula sa layunin nitong lumagda ng free trade agreement (FTA) kasama ang Estados Unidos.

Sa isang pulong kasama ang Filipino journalist-participants ng Friends, Partners, Allies Program sa New York City, inamin ni Trade Undersecretary and Board of Investments managing head Ceferino Rodolfo na ang kasalukuyang “political dynamics” sa Estados Unidos, na matataon sa November presidential elections—ay magiging mahirap para sa Washington, D.C. na maglunsad ng isang FTA “not just with the Philippines… it’s across all countries.”

Gayunman, sinabi ni Rodolfo na “the Philippine government continues to aggressively push for an FTA with the US.”

Sinabi pa nito na ang pagbibigay ng signal sa kompanya na may layuning i-secure ang free trade deal sa D.C. ay “important towards putting the Philippines first in line” sa oras na magbukas na ang pintuan ng Estados Unidos para sa FTA negotiations.

Noong nakaraang taon, sinabi ni US Trade Representative Ambassador Katherine Tai na ang bilateral FTA sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos ay wala sa negotiating table dahil nakatuon ang pansin ng Biden administration sa Indo-Pacific Economic Framework (IPEF) initiative.

Gayunman, sinabi ni Rodolfo, mayroong malakas na suporta para sa US-Philippines FTA sa business sector at maging sa “congressional delegations that have been visiting the Philippines.”

“That’s why we are hopeful,” aniya pa rin.

Makikita sa pinakabagong data na available mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) na ang Estados Unidos ang “biggest recipient” ng Philippine exports noong Pebrero na may $947.83 million o 16.0% ng kabuuan, sumunod ang Japan na may $849.17 million o 14.4%. Kris Jose