Home NATIONWIDE Self-regulation sa ad industry mananatili sa Cha-cha – solon

Self-regulation sa ad industry mananatili sa Cha-cha – solon

MANILA, Philippines – Siniguro ni Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez na mananatili ang self-regulation sa advertising industry sa ilalim ng panukalang pag-amyenda sa restrictive economic provisions ng Konstitusyon.

Ang pahayag na ito ay kasunod ng mga pangamba ng ilang stakeholders sa Senate hearing nitong Huwebes, Mayo 9, kaugnay ng amendment proposals.

Ipinunto ni Rodriguez, chairman ng House of Representatives Committee on Constitutional Amendments, na sa ilalim ng Charter change resolutions, pwedeng baguhin ng Kongreso ang foreign ownership ng advertising companies mula sa kasalukuyang 70 percent Filipino at 30 percent foreign.

“We are focused on the ownership issue. There is no plan to disturb whatever internal arrangement existing in the ad industry, like self-regulation. I will not support any proposal to change that,” aniya.

Nitong Huwebes, sinabi ni Ad Standards Council legal counsel Rudolph Jularbal na ang foreign ownership ay hindi magiging problema basta’t mananatili ang self-regulation sa local ad sector.

Sinabi pa niya na ang self-regulation “is functional, regardless of the ownership of advertising agencies, content will be regulated effectively.”

Pinawi ni Rodriguez ang mga pangamba na ang foreign ownership ay hindi makatutulong sa kalidad ng ad agency.

“The infusion of additional funds to a business organization, whether in the ad industry or any other sector of the economy, always adds value to that entity,” sinabi pa ng solon.

“Technology transfer is another factor that would enhance the operation of such entity, along with the availability of foreign human resource or expertise in case it is needed.”

Nagpahayag din ng pangamba ang ilang Senate resource persons kaugnay ng editorial independence, at mga advertisers na magdidikta ng content.

Siniguro ni Rodriguez na ang editorial independence ay nasa ad agency pa rin.

“We will not interfere with editorial judgment. As to the content of an advertisement, that matter is left to the discretion of both the advertiser and his ad agency.” RNT/JGC