Home NATIONWIDE Mga nagsampa ng reklamo vs Yexel nadagdagan pa

Mga nagsampa ng reklamo vs Yexel nadagdagan pa

MANILA, Philippines – Nadagdagan pa ang bilang ng mga investors na nagsampa ng reklamo sa Department of Justice (DOJ) laban sa vlogger at negosyante na si Yexel Sebastian.

Ayon sa isa sa complainant, nakumbinse umano siya na maglagak ng P2 million. Nabayaran naman siya ng P100,000 kada buwan sa loob ng pitong buwan ngunit matapos nito ay hindi na nagbigay si Sebastian ng pera at kung ano ano na umano ang idinadahilan.

Si Sebastian ay inireklamo ng syndicated estafa.

Tiniyak naman ng mga complainant na kung maibabalik sa kanila ang kanilang pera ay posibleng iurong din nila ang isinampang reklamo.

Nitong Marso 30, may mga biktima umano ng investment scam ni Sebastian ang naghain ng reklamo sa National Bureau of Investigation. Teresa Tavares