Home NATIONWIDE P220-M combined lotto jackpots ‘di napanalunan

P220-M combined lotto jackpots ‘di napanalunan

MANILA, Philippines – Walang naitalang nanalo ng jackpot sa dalawang major lotto draws na ginanap ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes ng gabi, Abril 8.

Wala ring nakauwi ng premyo sa Grand Lotto 6/55 draw na may winning digits na 04-35-45-32-13-15 at may kabuuang premyong P205.5 milyon.

Ganoon din sa Mega Lotto 6/45 draw kung saan walang nanalo ng jackpot na P17.9 milyon kung saan lumabas ang 31-14-17-06-05-20 na winning combinations.

Samantala, ang mga nanalong numero para sa digit na laro ay 9-4-0-4 para sa 4D Lotto, 7-5-6 para sa 3D Lotto, at 30-20 para sa 2D Lotto. RNT