Home HOME BANNER STORY MRT-3, LRT-2 may #LibrengSakay sa Araw ng Kagitingan

MRT-3, LRT-2 may #LibrengSakay sa Araw ng Kagitingan

MANILA, Philippines – Magbibigay ng #LibrengSakay ang MRT-3 at LRT-2 ngayong Martes, Abril 9, sa paggunita ng Araw ng Kagitingan (Day of Valor), na isang pampublikong holiday.

Inanunsyo ng Manila Metro Rail Transit System Line 3 (MRT-3) nitong Lunes na magsisimula ang libreng sakay ng 7 a.m. hanggang 9 a.m. at 5 p.m. hanggang 7 p.m. sa mga peak hours ng tren.

Ayon kay MRT-3 officer-in-charge Jorjette Aquino, ang sistema ng tren ay nag-alok upang pasalamatan ang mga modernong bayani kabilang ang mga medical front liners, tauhan ng gobyerno, at mga manggagawa sa publiko at pribadong sektor.

“Ang libreng sakay po na ito ay bilang pasasalamat at pagkilala para sa kanilang lahat na patuloy na nagmamalasakit at nagbibigay-serbisyo sa kapwa para sa ikauunlad ng ating bayan,” ani Aquino.

Gayundin, ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ay mag-aalok ng libreng sakay sa publiko mula 7 a.m. hanggang 9 p.m. at 5 p.m. hanggang 7 p.m.

Sinabi rin ng pamunuan ng tren na magpapatuloy ang LRT-1 sa ilalim ng regular na operasyon sa Abril 9 at Miyerkules, Abril 10.

Samantala, ang mga beterano ng militar ay maaaring magpatuloy sa pagsakay sa MRT-3 at LRT-2 nang libre hanggang Abril 11 para sa Philippine Veterans Week.

Nauna nang idineklara ni Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. RNT