Home NATIONWIDE 96 patay sa paglubog ng ferry boat sa Mozambique

96 patay sa paglubog ng ferry boat sa Mozambique

MOZAMBIQUE – Umabot na sa 96 katao ang nasawi nang lumubog ang makeshift ferry boat sa Mozambique.

Kabilang sa death toll ang mga bata, na inaasahan pang madaragdagan.

Sakay nito ang 130 katao nang makaranas ng problema sa kanilang paglalayag nitong Linggo habang bumibiyahe patungong Nampula province.

Karamihan sa mga sakay ng barko ay sumubok na tumakas sa mainland dahil sa panic dahilan ng ‘disinformation’ patungkol sa cholera, ayon kay Nampula secretary of state Jaime Neto.

Pinaniniwalaang lumubog ang barko dahil sa dami ng mga pasahero.

“Five more (bodies) have been found in the last few hours, therefore we are talking about 96 deaths,” ayon naman sa island administrator na si Silverio Nauaito.

Tatlo sa limang katawan ay mga bata. RNT/JGC