Home NATIONWIDE Deactivation ng 232K registered voters sa Bicol, kinumpirma ng Comelec

Deactivation ng 232K registered voters sa Bicol, kinumpirma ng Comelec

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Commission on Elections (Comelec) na kinokonsidera nilang i-deactivate simula April 15 ngayong taon ang 323,340 inactive registered voters sa Bicol Region.

Sa isang panayam, sinabi ni Comelec Albay election supervisor Maria Aurea Bo-Bunao na ang rehistradong botante na deactivated ay dahil bigong makilahok sa dalawang magkasunod na botohan.

Base sa datos, mula sa anim na probinsya sa rehiyon, ang camarines Sur ang may pinakamataas na kaso na may 120,727, sinundan ng Albay na may 66,676; Masbate, 56,502; Sorsogon, 36,202; Camarines Norte, 26,246; at Catanduanes, 16,987.

Lahat ng deactivated na botante ay makakatanggap ng abiso mula sa ibat-ibang Comelec offices at dahil sila ay inactive ay hindi sila makakakuha ng voter certificates bilang patunay ng kanilang pagkakilanlan.

Hindi rin sila maaaring makisali sa anumang aktibidad na may kaugnay sa halalan, partikular sa darating na 2025 National at Local Elections.

Aniya, maaaring bumisita sa mga tanggapan ng Comelec ang mga nagnanais na muling lumahok sa darating na halalan.

Sinabi rin ni Bunao na ang mga deactivated voters ay may sapat na panahon upang makipag-ugnayan sa kani-kanilang Comelec offices.

Nagpaalala rin ito na huwag nang antayin ang huling araw ng pagpaparehistro na tatagal hanggang Setyembre 30 mula alas-8 ng umnaga hanggang alas-5 ng hapon, Lunes hanggang Sabado.

Dagdag pa ng opisyal, ang karagdagang register Anywhere Program (RAP) site ay handang tumanggap ng kliyente sa Albay. Jocelyn Tabangcura-Domenden