Home ENTERTAINMENT Dating produ nina Goma at Bong, na-scam, magpapa-Tulfo!

Dating produ nina Goma at Bong, na-scam, magpapa-Tulfo!

Manila, Philippines – Hindi mapakali ang dating executive producer (EP) ni Sen. Bong Revilla sa Amazing Stories at ang dating associate producer (AP) ni Cong. Richard Gomez sa S Files at Showbiz Central na si Bangs.

Dating executive ng GMA7 si Sherril Bangs Atevalo na nag-migrate na sa Amerika.

Hindi kasi siya makapaniwala na diumano’y nai-scam siya ng isang Pinay daw sa Japan na nagbebenta ng gold online.

Kwento pa ni Bangs, ang diumano’y scheme daw ng nasabing Pinay sa Japan ay nagbebenta raw ito ng 18K Japan gold sa Facebook, at kapag magkasundo na kayo sa presyo ay magre-request daw ito ng advance payment.

Ayon kay Bangs, nagpadala siya ng P350K sa nasabing Pinay sa Japan ngunit ilang buwan na ang nakalipas ay wala pa ring dumarating na Japan gold sa kanya.

Ang huling message daw sa kanya ng nabanggit na Pinay ay nu’ng March 18, 2024 ipadadala ang items ngunit wala pa ring dumarating.

“Hindi lang ako ang nabiktima niya kundi marami pang mga OFWs sa iba’t-ibang bansa na gumawa na rin ng GC laban sa kanya.

“All in all, umabot na rin sa almost P2M ang nakuha niya sa lahat ng OFWs na napaniwala niya,” reklamo pa ni Bangs.

Sa ngayon ay nagpa-plano nang mag-file ng case ang grupo ni Bangs at gusto na rin nila dalhin kay Sen. Raffy Tulfo ang kanilang problema para hindi na raw makapang-biktima pa ang nasabing Pinay.

Sinubukan naming kunin ang side ng nasabing Pinay sa kanyang FB messenger ngunit as of press time ay wala pang sagot.

Bukas ang pahina ng Remate Online sa kanyang panig. JP Ignacio