Home NATIONWIDE Kriminalisasyon sa homosexuality tinutulan ng Vatican

Kriminalisasyon sa homosexuality tinutulan ng Vatican

MANILA, Philippines – Tinututulan ng Vatican ang kriminalisasyon ng homosexuality gaya ng ginagawa ng ilang bansa na may suporta ng mga grupong Katoliko, sinabi ng pinuno ng tanggapan ng doktrina ng Vatican noong Lunes.

Tinawag ni Cardinal Victor Manuel Fernandez ang batas na nagpaparusa sa homosexuality na “isang malaking problema” at sinabing hindi sila pabor sa kriminalisasyon.

Si Fernandez, isang liberal na teologo na itinalaga ni Pope Francis bilang pinuno ng Vatican’s Dicastery for the Doctrine of the Faith wala pang isang taon ang nakalipas, ay nagsabi sa mga reporter na “masakit” na makita ang ilang mga Katoliko na sumusuporta sa mga batas laban sa homosexuality.

Noong Pebrero 2023, sinabi ni Pope Francis na ang Francis pagturing sa LGBT People bilang kriminal ay isang kasalanan at inhustisya dahila mahal lahat ng Diyos at kasama na rito ang mga indibidwal na may same-sex attraction.

“The criminalization of homosexuality is a problem that cannot be ignored,” sabi ng Papa na binanggit ang hindi pinangalanang mga istatistika kung saan 50 bansa ang nagparusa sa mga LGBT “sa isang paraan o iba pa” at humigit-kumulang 10 iba pa ay may mga batas kabilang ang parusang kamatayan.

Sa ilalim ni Francis, mas naging malugod ang Simbahang Katoliko sa mga LGBT. Noong Disyembre, ang opisina ni Cardinal Fernandez ay naglabas ng isang landmark na dokumento na nagpapahintulot sa basbas ng magkaparehas na kasarian, na nag-trigger ng malaking konserbatibong reaksyon.

Gayunpaman, ang Simbahan ay opisyal na nagtuturo na ang mga gawaing homoseksuwal ay ” intrinsically disordered.”

Sinabi ng Cardinal na ang punto ng pagtuturo ng Katoliko ay ang mga gawaing homoseksuwal ay hindi maaaring tumugma sa “napakalaking kagandahan” ng mga heterosexual na unyon, at ang Simbahan ay “makakahanap ng mas angkop na mga salita upang ipahayag” ito. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)