Home NATIONWIDE Unang US-Japan-Philippines summit aarangkada na

Unang US-Japan-Philippines summit aarangkada na

MANILA, Philippines – TULOY na TULOY na ang first trilateral summit ng mga lider ng Pilipinas, Japan at Estados Unidos ngayong linggo sa Washington na naglalayong palakasin ang defense ties.

Ang major upgrade ng military command structures sa pagitan ng Estados Unidos at ang tumataas na self-confident ng Japan ay maaaring ianunsyo, at maging ang joint coast guard patrols ng Maynila sa mga lugar na pinagtatalunan kasama ang Tsina.

Kasama rin sa agenda ay ang I-secure ang access sa mga importanteng suplay gaya ng semiconductors at mga bihirang metal, ang lumalaking pakikipagtalo ng North Korea at ang ang Japanese takeover sa US Steel na kinontra ni President Joe Biden.

Ang pag-uusap ay “advance a trilateral partnership built on deep historical ties of friendship, robust and growing economic relations… and a shared vision for a free and open Indo-Pacific,” ayon sa White House.

Nauna rito, sinabi naman ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida na ang Japan-US relationship ay “more ironclad than ever” at ang kanyang magiging byahe ay “demonstrate this message to the world.”

Tinuran naman ng foreign ministry ng Tsina na sila’y “opposed to the cobbling together of exclusive small circles and to confrontation between different groups in the region.”

Si Kishida ang unang Japanese premier na makatatanggap ng full honors sa White House, kabilang na ang gala dinner at Rose Garden news conference.

Sinasabing magsasalita muna si Kishida, 66 sa Kongreso bago pa makipagpulong kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Biden para sa first trilateral summit.

Si Biden, 81, at Marcos, 66, ay nakikitang mas malapit kaysa kay China-leaning predecessor Rodrigo Duterte, na magdaraos din ng hiwalay na pag-uusap.

Sila ang pinakabagong Asia-Pacific allies na iho-host ni Biden, na sasamahan ni Kishida at South Korean President Yoon Suk Yeol sa Camp David sa Agosto.

Nagawa naman ni Biden na pangasiwaan ang tensyon sa China, nagkaroon ng two-hour phone call kay President Xi Jinping noong nakaraang linggo at face-to-face meeting sa San Francisco noong Nobyembre. Kris Jose