MANILA, Philippines – Sinabi ng opisyal ng Quiapo Church, na gumawa sila ng tatlong set ng lubid bilang bahagi ng crowd control upang matiyak ang maayos na daloy ng Traslacion 2026.
Binanggit ng mga awtoridad na ang distansya ng lubid, na dating itinakda sa 50 metro, ay pinaiksi sa 30 metro sa bawat gilid dahil sa paulit-ulit na pagkaantala at pagkasira sa mga nakaraang taon.
“Dahil laging napuputol at taon-taon naman,” paliwanag ng mga opisyal.
Nanawagan din ang simbahan sa mga deboto na makipagtulungan at sundin ang mga safety measures upang maiwasan ang aksidente.
“Wala na sanang magkasakitan,” dagdag nila, habang inaasahang dadaluhan ng milyon-milyong deboto ang Traslacion ngayong taon. RNT