Home NATIONWIDE 3 sugatan sa knife attack sa Paris train station

3 sugatan sa knife attack sa Paris train station

FRANCE – Sugatan ang tatlo katao sa nangyaring knife attack sa Gare de Lyon railway station sa Paris, France nitong Sabado, Pebrero 3.

Kasunod nito ay agad namang naaresto ang suspek.

Hindi pa tinukoy ang nasyonalidad ng naarestong suspek, na walang habas na nanaksak umano bandang alas-8 ng umaga sa naturang istasyon.

Isa sa tatlong nasaksak ang nagtamo ng seryosong pinsala sa katawan, habang ang dalawa naman ay ‘lightly wounded.’

“The suspect did not cry out (any religious slogans) during his attack,” ayon sa pulisya.

“He presented the police an Italian driving licence.” RNT/JGC

Previous articlePresyo ng itlog bumababa sa mahinang demand
Next articleSurigao del Sur inuga ng M-4.4 na lindol