Home NATIONWIDE Presyo ng itlog bumababa sa mahinang demand

Presyo ng itlog bumababa sa mahinang demand

MANILA, Philippines – Patuloy na bumababa nang hanggang P4 ang farmgate price ng maliliit na itlog dahil sa pagbaba ng demand at mataas na suplay, ayon sa Philippine Egg Board Association (PEBA).

“Ang farmgate price ngayon ng medium ay P5 to P6 at ang small ay P4 to P5, depende sa lugar ng farm,” pagbabahagi ni PEBA Chairman Gregorio San Diego.

“Dumami ng konti ang supply pero ang malaki nabawas ay ang perang pangbili ng mga tao, kaya lumalabas ay over supply,” dagdag pa niya.

Batay sa pinakahuling price monitoring ng Department of Agriculture, ang retail prices sa medium-sized eggs ay mula P6.80 hanggang P8.50 sa ilang pamilihan sa Metro Manila.

Nakapagtala rin ng hanggang P20 na bawas sa presyo ang wholesale ng mga itlog sa Mayila.

Sa kasalukuyan, ang medium sized eggs ay ibinibenta na lang sa P160 kada tray, P180 para sa large size, at P210 kada tray sa extra large. RNT/JGC

Previous articleIncreased benefits rates ng PhilHealth ipatutupad sa Pebrero 14
Next article3 sugatan sa knife attack sa Paris train station