Home NATIONWIDE Increased benefits rates ng PhilHealth ipatutupad sa Pebrero 14

Increased benefits rates ng PhilHealth ipatutupad sa Pebrero 14

MANILA, Philippines – Inihayag ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) nitong Sabado, Pebrero 3 na magsisimula na ang pinataas na coverage rates sa karamihan sa benefit packages nito a Pebrero 14, 2024.

Matatandaan na noong Nobyembre 2023, ay inanunsyo ng PhilHealth na tataas ng hanggang 30% ang rates sa benefits packages nito upang mabawasan ang out-of-packet expenses ng mga Filipino sa pagkuha ng health care services gamit ang PhilHealth.

Sa panayam ng DZBB, sinabi ni PhilHealth spokesperson Rey Baleña na naglabas ang ahensya ng Circular No. 2024-001 na naglalaman ng case rates o benefit packages na inaasahang daragdagan.

Itinakda sa circular ang Pebrero 14 bilang araw kung kailan ito ipatutupad, kung saan naglagay ang PhilHealth ng inflation adjustment factor na 30% para sa kasalukuyang case rates.

“‘Yan ang layunin ng ating adjustment sa benefit packages, ang mapababa o mabura na ang balanseng binabayaran sa pagpapaospital,” ayon kay Baleña.

Sa kabila nito, nilinaw ng opisyal na hindi lahat ng case rate packages ay tataasan dahil ang ilan sa mga ito ay na-adjust na limang taon ang nakararaan.

“Pangunahin diyan ‘yung dialysis… Kung matatandaan, last year ang ginawa natin sa dialysis ay hindi lang 30% adjustment… Ang ginawa ng PhilHealth Board, ‘yung pangangailangan ng isang pasyente for dialysis sessions sa buong isang taon ay sinagot na ng PhilHealth,” ani Baleña.

“Ang ginawa natin sa dialysis, lahat ay kinover na natin… Hindi na maaantala ang pagpapa-dialysis ng pasyente sa buong taon,” dagdag pa niya.

Exempted sa 30% adjustment ang high-risk pneumonia.

“Iba ang naging approach natin sa high-risk pneumonia dahil isa ‘yan sa mga condition na talagang high burden sa patients. From P32,000, naging P90,100 ‘yan effective last year. Hindi lang 30% ang naging increase diyan,” aniya.

Para sa stroke, sinabi rin ng PhilHealth official na ang benefit coverage ay tinaasan ng mahigit 15% noong nakaraang taon.

“Dati ‘yung [coverage] for ischemic stroke ay nasa P28,000, naging P76,000. ‘Yung hemorrhagic, dating P38,000 naging P80,000,” sinabi pa ni Baleña.

Tinitignan din ng PhilHealth ang rationalization sa case rates para sa anim na kondisyon.

“Hindi lang 30% ang itataas… three last year, six this year so nine na conditions,” ani Baleña.

“Beyond these nine conditions naira-rationalize natin… the rest will be subjected to 30% [increase],” dagdag pa niya. RNT/JGC

Previous articleKasunduan sa rice supply chain development tinintahan ng DA, DTI at NIA
Next articlePresyo ng itlog bumababa sa mahinang demand