Home NATIONWIDE 3 sugatan sa pagsabog ng LPG sa Bacolod

3 sugatan sa pagsabog ng LPG sa Bacolod

150
0

MANILA, Philippines – Sugatan ang tatlong indibidwal matapos sumabog ang isang Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa Purok Kametal, Barangay Mandalagan, Bacolod City nitong Lunes, Hulyo 29.

Ayon kay Fire Officer 2 (FO2) Rolin Paulan, chief arson investigator ng Bacolod City Fire Station, ang mga biktima ay nasa loob ng isang van kargado ng 12 LPG tanks – pitong 11-kilogram at limang 50-kilogram, nang mangyari ang pagsabig bandang 2:35 ng hapon.

Hindi nagtamo ng seryosong pinsala sa katawan ang mga biktima dahil nagsilbing haring mula sa pagsabog ang mga upuan ng sasakyan.

Nagtamo naman ng minor burns ang mga biktima, ang LPG retailer at dalawang helper nito.

Ani Paulan, ang fumes mula sa LPG tank na nag-leak ang posibleng dahilan ng pagsabog.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon upang malaman ang tunay na sanhi ng pagsabog.

Ayon sa may-ari, mayroon silang conveyance permit na nagpapahintulot sa kanila na ibyahe ang mga LPG tank.

Sinabi ni Paulan na hiningi nila sa may-ari na magpasa ng patunay ng sinasabi ito.

“We’re trying to figure out other details,” dagdag pa.

Umabot sa P700,000 ang halaga ng pinsala, partikular na ang halaga ng sasakyan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here