Home METRO 3 sugatan sa pinatumbang puno ni Kristine

3 sugatan sa pinatumbang puno ni Kristine

150
0

PANGASINAN-Sugatan ang tatlong katao matapos madaganan ng natumbang puno ng ‘Silag’ (Buri palm tree) ang kanilang bahay sa Brgy. Awag, Anda ng lalawigang ito.

Ayon sa pulisya, ang mga biktima ay isang 19-anyos na babae, 45-anyos na lalaki, at 25-anyos na lalaki.

Kasalukuyang kumakain ng agahan ang tatlo nang mabagsakan ang bahay nila ng puno ng Silag na itinumba ng malakas na hangin ng bagyong “Kristine”.

Agad na ni-rescue ng LDRRMO ang tatlo at dinala sa RHU sa naturang bayan. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here