Home METRO Kelot nadulas, nahulog sa ilog, dedbol!

Kelot nadulas, nahulog sa ilog, dedbol!

119
0

PANGASINAN- Tigok ang isang 18-anyos na lalaki matapos malunod sa ilog sa bayan ng Sta. Barbara ng lalawigang ito kahapon, Oktubre 24.

Ayon sa Sta. Barbara Municipal Police Station, ang biktima ay walang asawa, residente ng naturang bayan.

Nabatid na ang biktima at ang mga kaibigan niya ay nagpunta sa ilog para mag-swimming.

Habang naglalakad sila sa may dike, aksidenteng nadulas ang biktima at nahulog sa ilog.

Mabilis na tinangay ng malakas na agos ng tubig ang biktima at hindi na makita.

Agad na nagsagawa ng search and rescue operation ang MDRRMO hanggang sa mahanap nila ang biktimang walang malay.

Isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here