Home ENTERTAINMENT Balitang kasalan nina Janine at Echo, fake news!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Balitang kasalan nina Janine at Echo, fake news!October 25, 2024 12:572230 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Habang sinusulat ito y wala pang reaksyon either si Janine Gutierrez o Jericho Rosales patungkol sa isang Facebook page.Nakasaad kasi sa Star News na kinumpirma na ni Janine na kasal na sila ng kanyang co-star sa Lavender Fields.Straight at unflawed English ang pagkakasulat ng artikulo.Pero obyus na fake news ang hatid nitong impormasyon base na rin sa alam ng marami.Ayon sa artikulo, “They (Janine and Jericho) have been friends for years.”Nag-level up nga lang daw ang kanilang friendship until romance blossomed.Tanong–how could it be possible gayong hindi nga alam ni Echo ang ilang basic info about Janine?Hindi nga ba’t inakala ng aktor na 24 anyos lang si Janine mula sa tsika ng kanyang makeup artist?Echo was even quoted to have said na hindi siya papatol sa ganoon kabata.Kung hindi pa raw siya nag-Google, Jericho would not have discovered that Janine is already 34?At nang malaman nga niyang 10 years lang ang tanda niya’y he told himself: “Ah, puwede!”At kung matagal na silang magkaibigan, bakit kinailangan pang ipakilala ni Janine si Echo sa kanyang lola, si Pilita Corrales?Hindi ba’t kinaray pa ng aktres si Echo sa birthday celebration nito where he even sang?Kasal na ‘ika nga ng Star News?Ano ‘yon, agad-agad?Nagsama lang for the first time sa isang teleserye, nagkainlaban agad at nagpakasal?Hindi ba’t obyus na peke ang balita, na para pagmukhaing totoo at kapani-paniwala’y ginamit pa ang Star News na associsted sa ABS-CBN?Hindi ba puwedeng ireklamo ito sa admin ng FB para gawan ng kaukulang aksyon? Ronnie Carrasco III