Manila, Philippines – Charo Santos is a living testimony that there’s more to being an actress than meets the eye.
Buong pagmamalaking finlex ng dating top executive ng ABS-CBN ang kanyang tinanggap na certificate sa pagtatapos ng kanyang training sa Philippine Air Force.
And because of her completion, isa nang PAF reservist ang dating narrator ng longest running drama anthology sa bansa, ang Maaalaala Мо Кауа?
Ani Charo, “It’s never too late to try new things!”
Mas napagtanto raw ng isa sa mga cast members ng primetime series na Batang Quiapo ang kanyang “deeper sense of purpose” sa buhay.
Higit pa raw nagningas ang kanyang pagmamahal sa bayan.
Dagdag pa niya: “Today marks my graduation from the PAF training–a journey which was challenging as it was rewarding.”
Karangalan daw sa kanya ang ilang linggong kasama ang mga kapwa reservists.
Charo wishes to impart na saanmang lugar naroon ang isang tao’y hindi maikakaila “that change is growing.”
Pinayuhan din niya ang marami “to pursue your dreams, face your fears and keep moving forward!”
Si Ma’am Charo–kung tawagin ng kanyang mga nakatrabaho sa ABS-CBN–ay ang latest addition sa humahabang listahan ng mga showbiz celebrities na nagsisilbing reservists. Ronnie Carrasco III