Home NATIONWIDE 3 sugatan sa stabbing incident sa Tokyo train

3 sugatan sa stabbing incident sa Tokyo train

JAPAN – Tatlong indibidwal ang sugatan sa nangyaring stabbing incident sa isang tren sa Akihabara Station, Tokyo, Japan.

Ayon sa Tokyo Metropolitan Police Department spokesperson, nakatanggap sila ng emergency call bandang alas-11 ng gabi kung saan isang babae umano ang nanaksak gamit ang kutsilyo, sa Yamanote loop line, isa sa pinaka-busy na transport routes sa lungsod.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang babaeng suspek, habang hindi pa tukoy ang kondisyon ng tatlong nasaktang lalaki na dinala na sa ospital.

Samantala, iniulat ng Kyodo news agency na wala naman sa mga biktima ang nagtamo ng life-threatening injuries.

Pansamantala naman na sinuspinde ng East Japan Railway Company ang Yamanote loop line.

Ang Akihabara ay isang kilalang tourism hotspot sa Tokyo dahil sa mga video games, comic books, at outlandish fashion. RNT/JGC

Previous article#WalangPasok ngayong Huwebes, Enero 4
Next articleHigit P589M jackpot sa Grand Lotto 6/55 ‘di pa rin nasusungkit!