Home NATIONWIDE Higit P589M jackpot sa Grand Lotto 6/55 ‘di pa rin nasusungkit!

Higit P589M jackpot sa Grand Lotto 6/55 ‘di pa rin nasusungkit!

MANILA, Philippines – Mailap pa rin ang jackpot sa Grand Lotto 6/55, tatlong araw matapos ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Sa draw nitong Miyerkules, Enero 3, wala pa ring nananalo sa P589 milyon na jackpot.

Ang jackpot na P589,077,406 ay may winning combination number na 52-04-24-42-26-39.

Samantala, wala ring nanalo ng P100 milyon na jackpot sa Megalotto 6/45 sa winning combination number na 37-29-14-17-16-22.

Wala ring nanalo sa Tuesday draw ng Superlotto 6/49 sa jackpot prize na P510,366,910.40.

Matatandaan na iniulat na tatlo naman ang nanalo sa jackpot ng Lotto 6/42 na nagkakahalaga ng P108,072,834.

Napanalunan nila ang jackpot sa winning combination na 04-22-07-10-29-14. RNT/JGC

Previous article3 sugatan sa stabbing incident sa Tokyo train
Next articlePanay outage dulot ng power plant shutdown – ERC