Home METRO 3 sundalo timbog sa buy-bust  

3 sundalo timbog sa buy-bust  

BAMBAN, Tarlac- Arestado ang tatlong sundalo na nakuhanan ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P340,000 sa isang buy-bust operation sa Barangay Anupul sa lugar na ito nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency-Tarlac ang mga suspek na sina Corporal Venancio D. Delmoral, Corporal Juan Carlo G. Feliciano, at Sgt. Modesto D. Rosquero.

Anang PDEA, itinuturing ang mga suspek bilang high-value targets dahil sa kanilang active duty status.

Nasabat sa mga suspek ang transparent plastic sachet na naglalaman ng higit-kumulang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P340,000, isang .45 caliber service firearm na may magazine at apat na bala, isang kotse, at marked money.

Isinagawa ang operasyon katuwang ang lokal na kapulisan.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5 (sale of dangerous drugs) kaugnay ng Section 26-B (conspiracy to sell) sa ilalim ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/SA