Home METRO Pagpapaliyab sa modern jeep patuloy na tinatalupan

Pagpapaliyab sa modern jeep patuloy na tinatalupan

Larawan mula sa X (@dzrhnews)

MANILA, Philippines- Gumugulong pa rin ang imbestigasyon ng Quezon PNP sa pagsunog sa modernized jeepney sa Catanauan, Quezon.

Inihayag ni Police Col. Ledon Monte, Provincial Director ng Quezon Police, na binubusisi nila ang mga nakuhang impormasyon, kung saan napag-alamang turista sa Mulanay, Quezon ang mga nahuling suspek.

“Ito kasing mga witnesses, hindi natin masasabi na ordinary witnesses, kasi sila mismo yung mga biktima. Tinuturo nila ang mga suspek, but since may information naman na sinasabi na ang mga to ay mga turista ay hindi namin binabalewa yun. Gusto namin ma find out talaga yung totoo,” wika ni Monte.

Patuloy din ang paghahanap ng PNP ng CCTV upang makatulong sa imbestigasyon.

Paglilinaw pa ng PNP, nakilala ng mga saksi ang mga suspek dahil walang takip ang mukha nila nang parahin ang sinunog na sasakyan.

“Sir, nung pumapara sila ay walang bonnet, I mean walang mask. Pero nang pumasok na ang dalawa na nanutok sa amin, naka-tube mask na,” paglalahad ni Monte.

“Ang word lang naman na sinabi sa statement ng mga witnesses, hindi ito holdup, pero kailangan niyong bumaba. ‘Yun daw ang word na sinabi,” dagdag ng opisyal.

Kasalukuyang hawak ng  Catanauan PNP ang apat na suspek– ang direktor na si Jade Castro, dalawang inhinyero at isang business manager. RNT/SA

Previous articleWalang nakasungkit ng premyo sa Ultra Lotto 6/58, Superlotto 6/49 
Next article3 sundalo timbog sa buy-bust