Home HOME BANNER STORY 3 sundalo utas sa pakikipagsagupaan sa mga rebeldeng NPA sa Oriental Mindoro

3 sundalo utas sa pakikipagsagupaan sa mga rebeldeng NPA sa Oriental Mindoro

351
0

ORIENTAL MINDORO, Philippines – Isang sagupaan sa pagitan ng tropa ng gobyerno at mga hinihinalang rebeldeng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Baco, Oriental Mindoro noong Martes, kung saan tatlong sundalo ang napatay, ang siya ring nagdulot ng takot at nagpaglikas ng libu-libong pamilyang katutubo ng Mangyan mula sa kanilang tahanan sa kabundukan patungo sa mababang lupain.

Ayon kay Baco Mayor Allan Roldan, nasa 1,000 pamilya mula sa Barangay Lantuyang, San Ignacio, Bayanan, at Bangkatan ang bumaba ng kabundukan at nasa pangangalaga na ng lokal na pamahalaan.

Nakipag-ugnayan ang mga tropa mula sa 2nd Infantry Division ng Philippine Army sa mga rebelde sa Sitio Bituin, Barangay Lantuyang, Baco.

Ayon sa ulat mula sa 203rd Infantry Brigade, nagsasagawa ng pursuit operations ang mga sundalo kasunod ng engkwentro noong Agosto 9 sa lugar, kung saan narekober ang mga war materials na inabandona ng mga rebelde.

Kabilang sa mga nasawi ay isang opisyal ng militar.

Tatlo pang sundalo ang nasugatan at dinala sa V. Luna Hospital sa Quezon City.

Hindi pa matukoy ang bilang ng mga nasawi sa panig ng mga rebelde. Tinatayang nasa 15 rebelde ang sangkot sa putukan.

Si Maj. Gen. Ramon Zagala, acting commander ng Army’s 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division, ay nagpahayag ng matinding kalungkutan sa pagkawala ng tatlong sundalo.

“They gave their lives serving the people, keeping our communities safe, and working for peace in Southern Tagalog. Their courage and sacrifice will always be remembered,” ani Zagala.

“This tragedy is heavy for all of us, but it only strengthens our resolve. The CPP-NPA continues to threaten lives, exploit civilians, and stand in the way of the progress our people deserve. We will not let them succeed. We remain determined to bring lasting peace to Mindoro and end this decades-long insurgency,” dagdag pa niya.

Nitong Huwebes, dalawang hinihinalang miyembro ng NPA ang napatay din matapos makipagsagupaan sa militar sa Barangay Happy Valley, Roxas, Oriental Mindoro. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here