Home NATIONWIDE 3 suspek arestado, kaugnay sa pagpatay sa pulis, anak

3 suspek arestado, kaugnay sa pagpatay sa pulis, anak

215
0
via NCRPO

MANILA, Philippines – Arestado na ang tatlong suspek sa pagpatay kay Senior Master Sgt. Diane Marie Mollenido at sa kanyang 8-taong-gulang na anak na si John Ysmael sa Tarlac, ayon kay NCRPO chief Police Brig. Gen. Anthony Aberin.

Natagpuan ang katawan ng bata sa isang calamansi farm sa Barangay Maluid, Victoria, na nakabalot sa tape at plastic bag. Ayon sa autopsy, namatay siya sa pamamagitan ng pagsakal.

Huling nakita ang mag-ina noong Enero 16 habang pupunta sa Novaliches para ibenta ang kanilang sasakyan. Ang katawan ni Mollenido ay natagpuan sa Pulilan, Bulacan, noong Enero 24 na may tama sa ulo.

Kasama sa iniimbestigahan ang isang babaeng car agent at ang estranged husband ni Mollenido. Hindi pa inilalabas ang pangalan at kasong haharapin ng mga arestado. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here